Aabot sa 1,844 board feet ng Ipil lumber ang nasamsam ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) at militar sa bahagi ng Natutungan River, Sitio Natutungan, Quezon, Palawan.
Sa ulat ng DENR, pag-aari ng isang isang alyas “Bonbon Bundal” ang mga nadiskubreng illegally cut lumber.
Ang pagkadiskubre sa mga kahoy ng “Oplan Natutungan Team” ay base sa sumbong ng isang concerned citizen.
Talamak umano ang iligal na pagpuputol at pagbebenta ng kahoy ng Ipil sa nasabing lugar.
Nasa pangangalaga na ng DENR-CENRO sa Quezon, Palawan ang mga nakumpiskang kahoy para sa kaukulang disposisyon.
Facebook Comments