MGA IMAHEN AT SOUVENIR SA MANAOAG, TINATANGKILIK NGAYONG HOLIDAY SEASON

Tinatangkilik ngayong holiday season ng mga bumibisita sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag ang iba’t ibang imahen, souvenir, at pasalubong na mabibili sa paligid ng simbahan.

Ilan sa mga dumadalo sa misa, kabilang ang mga debotong mula sa ibang lalawigan na nakikiisa sa simbang gabi, ay dumaraan sa mga puwesto ng mga nagbebenta upang mamili ng iuuwi para sa pamilya at mga kamag-anak.

Ayon sa ilang tindera, kabilang sa mga mabenta ang rosary at birth month bracelets na nagkakahalaga ng isang daang piso ang tatlong piraso.

Mayroon ding mabibiling mga imahen ng Mahal na Birhen na may presyong nagsisimula sa isang daang piso pataas, depende sa laki at disenyo.

Tiniyak naman ng hanay ng kapulisan ang kaayusan at kaligtasan sa mga puwesto ng mga tindero at tindera, lalo na sa mga oras na dagsa ang mga deboto at nagsisimba sa nasabing simbahan.

Inaasahan ng mga tindera na lalo pang lalakas ang bentahan sa nalalapit na araw ng pasko at bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments