Manila, Philippines – Inirekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) kay Pangulong Rodrigo Duterte na maisama na bilang basic commodity ang mga imbakan ng tubig.
Ito ay matapos tumaas ng hanggang apat na beses ang presyo ng mga drum, container, timba at tabo sa gitna ng nararanasang water krisis.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi sakop ng sa Price Act ang mga drum, container, timba at tabo sa basic commodity kaya hindi nila nakokontrol ang presyo ng mga ito.
Batay sa monitoring ng DTI, tumaas sa P800 ang presyo ng isang drum na dating nasa P200.
Sabi pa ni Castelo, binabantayan na rin nila ang mga bottled water na posibleng tumaas dahil rin sa problema sa supply ng tubig.
Facebook Comments