Mga imbestigador sa mga ipinadalang pipe bomb sa mga kritiko ni Trump nakatuon ang atensiyon sa Florida

46

Nakatuon ngayon ang atensiyon ng mga imbestigador sa Florida matapos makakuha sila ng lead kung saan nanggaling ang sampung pipe bomb na ipinadala sa mga kritiko at kalaban sa pulitika ni US President Donald Trump.

Sa report, dumaan umano sa US Postal System ang mga bomba at karamihan sa mga ito ay may return address sa Florida office ni US Representative Debbie Wasserman Schultz. Si Schultz ang dating chair ng Democratic National Committee.

Bukod kina dating US President Barack Obama, dating Senador at First Lady Hillary Clinton at CNN, may mga pipe bomb din na naipadala kina dating US Vice President Joe Biden at aktor na si Robert De Niro.

Ayon sa mga bomb expert, basic at simple lamang ang pagkakagawa ng mga bomba at malaki ang posibilidad na pananakot lamang talaga ang sadya ng nasa likod nito kesa pumatay ng mga kilalang kritiko ni Trump.

Facebook Comments