Thursday, February 19, 2026

Mga impeachment complaints laban kay VP Duterte, mukhang malabong makakuha agad ng 1/3 votes ng mga kongresista

Aminado si House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor na malabong mapabilis ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Defensor, hindi niya nakikita na makakakuha uli ng 1/3 votes ng mga kongresista ang mga impeachment complaints laban kay VP Duterte upang diretsong maipadala ito agad sa Senado na syang tatayong impeachment court.

Paliwanag ni Defensor, na kabilang din sa House prosecution team, iba na ang komposisyon ng mga kongresista ngayong 20th Congress kumpara noong 19th Congress.

Gayunpaman, kumpyansa naman si Defensor na maire-refer ang mga reklamong impeachment laban kay VP Sara sa House Committee on Justice na syang tutukoy kung ang mga ito ay sufficient in form and substance.

Sa ngayon ay apat na ang naihaing impeachment complaint laban kay VP Duterte, ang tatlo dito ay naipadala na sa tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” III at inaasahang sa susunod na linggo ay maisasama na sa order of business ng plenary session ng Kamara.

Facebook Comments