Mga impormasyon kaugnay sa Avian flu, naka-post na sa mga social media sites ng DOH

243

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng information dissemination sa Avian Flu, sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagpo-post ng mga angkop na impormasyon kaugnay dito sa kanilang mga social media accounts.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, bukod sa ginagawa nilang koordinasyon sa kanilang mga regional offices para sa pagpapakalat ng tamang impormasyon, malaking tulong aniya ang social media lalo’t malaking bahagi ng populasyon ng bansa ay aktibo sa social media.


Pinapayuhan ng kalihim ang publiko na bisitahin ang kanilang Facebook at Twitter account, dahil makikita dito ang mga impormasyon dapat malaman kaugnay sa Avian flu, at iba pang mga sagot sa mga karaniwang katanungan tungkol sa bird flu.

Una nang sinabi ng kalihim, na batid ng ahensya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tama at sapat na impormasyon, kaya’t puspusan aniya ang ginagawa nilang pagpapakalat ng tamang impormasyon tungkol sa Avian flu.

Facebook Comments