
Pinapatiyak ni Pangulong Bongbong Marcos sa Presidential Communications Office o PCO na tama at updated ang mga lalabas na impormasyon kaugnay sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Cebu.
Sinabi ito ni PCO Secretary Dave Gomez na nagtungo sa House of Representatives para sa pagsalang sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara ng 2026 budget ng PCO.
Ayon kay Gomez, nais ng pangulo na maiwasan ang pagkalat ng fake news at disinformation kaugnay sa kalamidad na maaaring magdulot ng panic o alarma sa publiko.
Dagdag pa ni Gomez, kasama sa derikiba ni Pangulong Marcos, na siguraduhing maipapaabot sa mamamayan ang ginagawa ng pangulo at kanyang gabinete para matulungan ang mga naapektuhan ng trahedya.
Facebook Comments










