Mga impormasyon sa pagkakadawit ni dating Marawi City Mayor Fajad Salic, isasailalim pa sa masusing imbestigasyon

Manila, Philippines – Sasailalim pa sa imbestigasyon ang lahat ng impormasyong may kaugnayan kay dating Marawi City Mayor Fajad Salic.

Ayon kay DILG Undersecretary Catalino Cuy, mahirap pang magbigay ng kumpirmasyon sa mga paratang kay Mayor Salic dahil kasalukuyan pa ang imbestigasyon.

Sinabi ni Cuy na naging basehan ng pag-aresto kay Salic sa kasong rebelyon ang di umano’y matagal na nitong pakikipag-ugnayan at posibleng pagiging financier ng Maute Group noong kasalukuyan pa siyang alkalde ng Marawi.


Si Salic ay isa lamang sa mahigit isandaang (100) inisyuhan ng martial law warrant of arrest dahil sa koneksyon di umano nito sa Maute Group na sumalakay sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments