Manila, Philippines – Nagpasya ang Senate Blue Ribbon Committee na ibigay muna kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga impormasyong ibinahagi sa Executive Session ni dating CIDG chief at ngayong ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Ito ang inihayag ni Senator Richard Gordon, makaraang bomoto ang 17-mga senador pabor sa pag-otorisa sa Blue Ribbon Committee na ilabas ang mga impormasyon mula kay Magalong ukol sa mga ninja cops o mga pulis na sangkot sa recycling ng mga nasasabat na ilegal na droga.
Paliwanag ni Gordon, makabubuting ipaubaya sa Pangulo ang pagpapa-imbestiga, pag-aksyon at pagsasapubliko ng impormasyon lalo at matataas na opisyal ng gobyerno at ng pambansang pulisya ang idinadawit sa illegal drug trade.
Paliwanag pa ni Gordon, ang Pangulo ang nasa poder para sibakin at pakasuhan ang mga ‘agaw bato’ cops at para maipa-overhaul ang buong pambansang pulisya.