Manila, Philippines – Naibigay na sa pamilya ni Horacio Castillo III ang mga impormasyong inilahad ni John Paul Solano sa isinagawag executive session ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, naniniwala si Solano na mahalagang maiparating sa pamilya ni Castillo ang mga nalalaman niya kaugnay sa hazing at pagkamatay ng kanilang anak.
Sabi ni Zubiri, magkakahalong emosyon ang naramdaman ng pamilya sa kanilang nalaman mula kay solano.
Malungkot aniya ang mga ito dahil kahit anong mangyari ngayon ay patay pa rin ang kanilang anak pero masaya din lalo na ang mga abogado dahil may mga leads na sila at may mga pangalan na pwedeng kasuhan ng direktang pagkakasangkot sa hazing.
Facebook Comments