Mga imported na bawang mula sa China, nabawasan; Presyo ng kilo ng bawang sa Agora Market, tumaas

Nararamdaman na ang epekto na rin sa presyo ng bilihin dahil sa novel coronavirus sa China at iba pang bansa.

Ito ay matapos na nabawasan ang mga inaangkat na produkto na ibinababa naman sa mga palengke gaya ng sa Agora Market sa San Juan, kung saan tumaas ang presyo ng bawang.

Kapansin pansin na ang lokal na bawang, ngayon ay P250 na ang kada kilo habang ang imported na bawang ay P140 hanggang P150 na kada kilo ang bentahan.


Ayon sa mga nagtitinda, lumang stock na lang ng bawang ang mayroon sila kaya dahil sa mataas na demand sa bawang kaya nagtaas sila ng presyo.

Pagdating naman sa sibuyas, sinabi ng mga tindera na imported na galing Holand ang kanilang binebenta.

Ayon kay Rosita Repe isang vendor nag-iingat umano sila sa kanilang supplier dahil na rin sa N-CoV.

Sa ngayon, P120 na ang kilo ng lokal na sibuyas. Habang P80 naman ang kilo ng imported na sibuyas.

Facebook Comments