Mga imported na maling, pinapa ‘pull-out’ sa merkadop

Pinapa-pull out na sa mga pamilihan supermarket ng Department of Agriculture (DA)  ang lahat ng maling at iba pang ‘canned meat’ products na galing sa China at iba pang mga bansang apektado ng Africans swine fever o ASF virus.

Hiniling ng DA sa Food and Drug Administration o FDA kasunod ng isinagawang ‘emergency’ meeting sa pagitan ni Agriculture Secretary Manny Piñol at hanay ng hog industry.

Sinabi ni Secretary Piñol na seryoso ang banta ng ASF sa mga babuyan sa bansa.


Abot sa 1.7 milyong baboy na tinamaan ng ASF ang ipinapatay sa Vietnam kamakailan.

Kabilang sa napagkasunduan sa pagpupulong ang pormal na paggawa ng isang petisyon kay Pangulong Duterte na bumalangkas ng mas mabigat na aksyon para protektahan ang P200 billion hog industry sa bansa.

Bukod sa mas mahigpit na monitoring ng Bureau of Animal Industry (BAI) ay inatasan na rin ni Secretary Piñol si Undersecretary Ariel Cayanan, Undersecretary for Operations and National Project na makipagpulong sa FDA.

Facebook Comments