Manila, Philippines – Kinalampag ni ACT-CIS Representative Nina Taduran na bilisan na solusyunan ang problema sa African swine fever (ASF) matapos na makumpirma na kumalat na rin ito sa Malabon at Caloocan.
Giit ni Taduran, kung may dapat na bantayan ay ito ang mga processed meat products mula sa abroad na pangunahing dahilan ng pagpasok ng ASF sa bansa.
Bukod sa posibilidad na infected ng ASF ang mga imported processed meat products ay source din ito ng high sodium content at preservatives na nakakasama sa kalusugan ng publiko.
Pinaaaksyunan din ang pagkalat ng pangamba sa publiko sa pagkain ng lokal na karneng baboy na apektado ng ASF na kung maluluto ng husto ay hindi naman maipapasa sa tao.
Sinabi pa ng lady solon na marami nang hog raisers at local pig farm owners ang lumapit sa kanila at humingi ng tulong dahil sa problema.
Marami na aniya ang lugi at napipilitang magsara muna dahil sa pagbaba ng demand sa local meat products.