MGA IMPRASTRAKTURANG PROYEKTO SA IKALAWANG DISTRITO NG PANGASINAN, MAS TINUTUTUKAN

Tinututukan ang hanay ng imprastraktura sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga bayan sa ilalim ng ikalawang distrito ng lalawigan.
Kaugnay nito, nagkaroon ng pulong sa pagitan ng tanggapan ng ikalawang distrito ng Pangasinan sa Department of Public Works and Highways o DPWH at saklaw ng talakayan ang mga inihahanda pang proyekto para sa distrito maging ang budget na kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga ito.
Tinalakay din ang limitasyon ng pondo sa Kongreso at ibinahagi ni Second District Representative na may karagdagang Php 150M ang mga Nationalist People’s Coalition o NPC members na maaari nilang mailaan sa local projects na pasok ang 30% at sa national projects na 70%.

Tiniyak ng kongresista na sapat ang magiging pondo sa mga pinaplanong mga programa at proyekto na ihahanda para sa mga susunod na taon.
Samantala, ang mga bayan na kabilang sa ikalawang distrito ng Pangasinan ay mga bayan ng Aguilar, Basista, Binmaley, Bugallon, Labrador, Lingayen, Mangatarem at Urbiztondo. |ifmnews
Facebook Comments