Mga-ina ng tahanan, itinutulak sa kamara na mabigyan na rin ng buwanang sahod

49

Isinusulong sa kamara ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga ina ng tahanan.

 

Sa ilalim ng House Bill 8875 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, inaatasan ang Department Of Social Welfare (DSWD) and Development na manguna at tukuyin ang mga beneficiaries at bumuo ng mekanismo para sa buwanang sahod ng mga-ina.

 

Inirekomenda sa panukala ang pagpapasweldo ng P2,000 Monthly Compensation sa mga nanay na may isang anak na labindalawang taong gulang pababa at dumaranas ng kahirapan.

 

Layunin ng panukala na kilalanin ang ambag ng mga housewife sa ekonomiya ng bansa.

 

Paliwanag ng mambabatas, aabot sa P35 billion ang gagastusin para sa Social Protection Assistance Program kung saan P32 billion ay ilalaan sa mga babaeng kasal, habang P3 billion sa single mothers o biyuda.

 

Noong January 2018 aniya ay umabot sa P11.2 million ang bilang ng kababaihan na wala sa Labor Force at nananatili lamang sa bahay para alagaan ang pamilya.

Facebook Comments