Mga inaayos na pasilidad sa Kamara, minamadali na bago mag-SONA

Manila, Philippines – Hindi tiyak ng Mababang Kapulungan kung matatapos agad ang mga inaaayos na imprastraktura bago sumapit ang ikalawang SONA ng Pangulo.

Ayon kay House Sec. Gen. Cesar Pareja, sisikapin nilang matapos ang lahat ng isinasaayos na mga pasilidad sa loob ng Batasan Complex pero posibleng isuspinde muna ang paggawa sa mga ito kung abutin pa ng SONA.

Ilan pa sa mga pinoproblema sa mismong SONA ay ang traffic, parking at ang mga bisita na hindi ma-a-accommodate.


Sa mga bisita ay nasa 1,500 lamang ang sitting capacity sa loob ng plenaryo habang sa parking area naman ay nasa 500 lamang na mga sasakyan ang maaaring mag-park.

Sa kabila nito ay ginagawan na nila ng paraan para maisaayos ang anumang nakikitang problema bago mag-SONA sa July 24.

Samantala, kanina ay nagsagawa ang Inter-Agency Coordinating body para sa SONA ng walk thru para sa mga dadaanan mula pagdating hanggang sa oras ng SONA ni Pangulong Duterte.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments