*Cauayan City, Isabela- *Narekober ng 1st Platoon Alpha Company, 86th Infantry Battalion, Philippine Army at ng Community Environment and Natural Resources Office o CENRO-San Isidro, Isabela ang mga illegal na pinutol na kahoy na inabandona sa Barangay San Miguel, Echague, Isabela.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Felix Ganapin, OIC ng CENRO-San Isidro sa tulong ng militar ay narekober ang abandonadong mga pinutol na kahoy sa naturang barangay na umaabot ng halos 3,131 board feet.
Ang mga abandonadong kahoy ay nasa pangangalaga ng CENRO-San Isidro para sa dokumentasyon.
Kaalinsabay nito ang pinaiiral na executive order no.23 o total log ban sa bansa na mahigpit ang direktiba ni Marlon Agnar, PENRO Officer ng Isabela para sa kampanya sa illegal logging dito sa naturang Lalawigan.