MANILA – Pina-iimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Bureau of Customs (BOC) ang napaulat na 3.9 milyung kilo ng karne na inabandona sa pantalan sa Maynila.Una nang nanawagan si Senate Committee on Agriculture and Food Chairman Senadora Cynthia Villar na sirain na ang naturang mga smuggled meat.Sa interview ng RMN kay DA Usec. Jose Reaño, sinabi niyang inaalam na nila kung saan galing ang naturang mga karne na noong 2014 pa nakatambak sa mga pantalan.Ipinaliwanag niya na hindi agad nila naalis sa pantalan ang inabandonang mga karne dahil kailangan itong dumaan muna sa tamang proseso.Lumabas ang ulat na galing sa US, Canada, Belgium at Europa ang naturang smuggled meat.
Facebook Comments