Mga inalis na confidential funds ng Kamara sa iba’t ibang ahensya, hindi maibabalik sa pamamagitan ng pagbabanta

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren, hindi maibabalik ng mga pagbabanta at pahayag lamang sa Kamara ang mga confidential funds na kanilang inalis sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng proposed 2024 national budget.

Binigyang diin ito ni Pumaren kasunod ng mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa House of Representatives at pagbabanta sa ilang kongresista.

Ito ay dahil kasama sa inalisan ng confidential funds ang tanggapan ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte gayundin ang pinamumunuan nitong Department of Education (DepEd).


Umabot sa mahigit 1.2 billion pesos ang confidential funds na ng Kamara kasama ang P500 million ang confidential funds ng OVP at 150 million naman sa DepEd.

Ayon kay Pumaren, bilang dating pinuno ng bansa ay dapat alam ni dating pangulong Duterte na silang mga mambabatas ay dapat palaging iniisip ang kapakanan ng mamamayan na kanilang kinakatawan.

Facebook Comments