Maaari pa ring magpasuso ng kanilang sanggol ang mga ina na COVID-19 positive.
Ayon kay Dr. Mianne Silvestre, isang pediatrician at kasapi ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC)- Kalusugan ng Mag-ina at Asia Pacific Center for Evidence Based Healthcare, ang kailangan lamang ay magsuot lagi ng face mask ang breastfeeding na ina.
Kailangan din aniyang iwasan ng ina na magtakip ng bibig gamit ang siko kapag umuubo o bumabahing dahil dito niya madalas na kinakarga ang sanggol.
Sinabi pa ni Silvestre na ugaliing maghugas lagi ng kamay at i-disinfect ang mga surfaces tulad ng door knob, cellphone at iba pa.
Agad din aniyang ilapag sa higaan ang sanggol pagkatapos magpasuso.
Tiniyak din ni Silvestre na hindi mahahawa ng virus ang sanggol kahit na COVID-19 positive ang ina nito.