
Umabot na sa 3.2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Crising, Dante, at Emong, maging ang habagat at low pressure area (LPA).
Sa datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng 927,677 na pamilya mula sa 4,082 na mga barangay sa buong kapuluan.
Umabot sa 42,599 pamilya katumbas ng 152,704 na indibidwal ang namamalagi sa 1,146 evacuation center.
Papalo naman sa 19,767 na pamilya o 81,370 na mga indibidwal ang namamalagi sa kanilang mga kamag-anak.
Sa mga napinsalang bahay, totally damaged dito ang 391 na bahay dahil sa kalamidad habang bahagyang napinsala ang 1,330 na kabahayan.
Sa ngayon, pasa P174.4 million na halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng DSWD habang nasa P2.8 billion na halaga ng resources ang naka-standby para sa mga maaapektuhan pa ng kalamidad.









