Dumami ulit ang mga indibidwal na apektado ng granular lockdown sa bansa.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) monitoring center, 1, 285 na indibdwal ang apektado ngayon ng granular lockdown dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Pinakamaraming apektado ay sa Region 1 na may 453 indibidwal , sinusundan ng Cordillera Region na may 368 indibidwal, Region 2 na may 244 at National Capital Region (NCR) na may 183.
Kung pagbabasehan naman ang dami ng household na apektado umaabot ito sa 602, 419 areas at 255 na barangay sa buong bansa.
Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa publiko na sumunod sa mga umiiral na health protocols upang hindi mahawa at makapanghawa ng Coronavirus.
Facebook Comments