Mga indibidwal na gumaling sa COVID-19, mahigit 3,000 na ngayong araw

32

Inihayag ng pamunuan ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 3,017 ang bilang ng mga indibidwal na gumaling sa COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa 1,134,818 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.


Ayon sa DOH, umaabot na sa 8,748 naman ang bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat sa 53,770 ang aktibong kaso.

Sa ngayon, 1,209,154 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Habang 187 naman ang mga bagong binawian ng buhay kaya’t umabot na sa 20,566 na ang kabuuang bilang ng nasawi.

Facebook Comments