Mga indibidwal na inilikas dahil sa Bagyong Odette, umabot na sa mahigit 300,000 ayon sa NDRRMC

Dumami pa ang bilang ng mga inilikas dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 83, 026 na mga pamilya o katumbas ng 332, 855 na mga indibidwal na ang inilikas.

Ang mga ito ay mula sa Region 6, Region 7, Region 8, Region 9 at CARAGA.


Sa ngayon, wala pang naitatalang kumpirmadong nasawi, sugatan at nasugatan ang NDRRMC.

Pero may bineberpika na silang ulat ng 1 nasawi at 2 nasugatan.

Facebook Comments