Mga indibidwal na inilikas sa Region 2 dahil sa Bagyong Maymay, umabot na sa 3,500 – DSWD

Photo Courtesy: DSWD Facebook Page

Umaabot na sa 3,500 na indibidwal o 927 na pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers sa 23 barangay sa Region 2 dahil sa Bagyong Maymay, batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Usec. Edu Punay, mayroon din aniyang 12 pamilya o 53 indibidwal ang lumikas at nakikituloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak.

Nakahanda na rin aniya ang quick response team ng DSWD, gayundin ang mga relief at family food packs para sa mga residenteng apektado ng bagyo at mga maapektuhan pa.


Tiniyak naman ni Punay na sapat ang pondo ng ahensya para sa disaster response operation na nagkakahalagang P1.2 billion, kung saan nakahanda na ring gamitin dito ang P195 million na stand by funds mula sa kanilang central at field offices.

Facebook Comments