MGA INDIBIDWAL NA LUMULUSONG SA BAHA, INABISUHAN NG HEALTH AUTHORITIES

Pinaalalahanan ang publiko, partikular sa mga taong hindi maiwasang lumusong sa baha sa posibleng banta ng sakit na leptospirosis.

Ayon sa Department of Health, kahit pa paminsan minsan ang pagsuong, may sugat man o wala, mayroong inirekomendang nararapat gamot para rito.

Para sa mga low risk, minsan lang sumuong at walang sugat na nababad sa baha, kailangan ng 2 capsules (single dose) ng Doxycycline sa loob ng 24-72 oras mula sa pag-ahon sa baha.

Sa mga moderate risk, minsan sumuong at mayroong sugat sa parte ng katawan na nababad sa baha, kailangan magtake ng dalawang capsule (kada araw) ng gamot sa loob ng 3-5 araw mula sa pagkakaahon sa baha.

Sa mga high risk naman, ang mga patuloy na lumulusong sa baha bagamat meron o walang sugat sa katawan na nababad sa baha ay kailangang maggamot ng 2 capsules (kada linggo) hanggang sa hindi na lumusong sa baha.

Samantala, sa ilang lugar tulad sa Dagupan City, umpisa nang magpamahagi ang LGU ng nasabing gamot gaya na lamang sa mga tricycle drivers na hindi maiwasan ang paglusong sa baha.

Paalala ng health authorities na hindi umano kailangang nagkasintomas muna ng leptospirosis bago maggamot, maaari na itong maiwasan sa pamamagitan ng gamot at pagkonsulta sa doktor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments