Binuhay ng DILG ang unang rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año hinggil sa pagsusuot ng face mask sa loob ng bahay.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, partikular na dapat magsuot ng face mask sa bahay ang mga indibidwal na madalas exposed sa labas.
Sa ganitong paraan aniya, matitiyak ang proteksyon sa bawat pamilya sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, tiniyak ng DILG na sapat ang kanilang bilang ng contact tracer para tumulong sa Local Government Units (LGUs) mula sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Aniya, 15,000 contact tracers ang kinuha ng DILG lalo na’t mas kailangan aniya ng maraming contact tracer sa mga lugar na malaki ang bilang ng populasyon.
Sinabi rin ni Malaya na ang ilang contact tracer mula sa mga lugar na walang masyadong kaso ng COVID ay pinu-pullout nila at dinadala sa mga lugar na may mataas na kaso ng infection.