Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Disaster Response Management Division ng Department of Social Welfare and Development o DWSD sa Department of Health (DOH) para magpatupad ng psycho-social interventions sa mga indibidwal na na-trauma sa malakas na lindol sa North Cotabato.
May mga ulat na kasing natatanggap ang DSWD na maraming residente ang na trauma dahil sa mga sunod-sunod na aftershocks sa kanilang lugar.
Ayon kay DSWD 12 Regional Director Joel Espejo aniyang matunton ang kinaroroonan ng mga ito upang maisailalim sa stress debriefing.
Kahapon, namahagi pa ng emergency relief supply ang DSWD sa mga residente sa bayan ng Tulunan at Makilala sa North Cotabato.
Bukod sa mga food packs namahagi din ang ahensiya ng mga laminated sacks at tents sa 3,394 pamilya sa dalawang bayan.
Binigyan na rin ng guarantee letters ng DSWD ang 70 injured persons na naka-confined sa mga pribado at government controlled hospital sa North Cotabato.