Mga indibidwal na naapektuhan ng 7.4 at 6.8 magnitude na lindol sa Region 11 at CARAGA, pumalo na sa isang milyon

Pumalo na sa isang milyong indibdwal ang naapektuhan ng pagyanig ng 7.4 at 6.8 magnitude na lindol sa mga lugar sa Caraga at Region 11.

Sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 1,124,611 na mga indibidbwal o mahigit 256 na libong mga pamilya na ang naapektuhan ng nasabing lindol.

Kung saan ang 748 na pamilya dito ay nanatili sa mga itinalagang evacuation centers habang nasa 52 na pamilya naman ay piniling mamalagi sa labas ng mga evacuation.

Samantala, 8 pa rin ang naiulat na nasawi at 196 na katao ang naitalang injured.

Kaugnay nito, mahigit 37milyong piso na ang naibigay na humanitarian assistance mula sa Office of Civil Defense (OCD) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Dagdag pa nito, nasa mahigit isang libo naman na mga personnel at 194 na assets mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang naka-deploy sa search, rescue and retrieval operations sa nasabing lugar.

Facebook Comments