Mga indibidwal na naapektuhan ng Bagyong Tino, pumalo na sa mahigit P2.1 million

Lumobo na sa mahigit 2.1 million na indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Tino.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, kabuuang 2,162,369 ang kabuuang bilang nga mga indibidwal na naapektuhan ng bagyo o katumbas ng 602,421 families mula sa 5,534 na mga barangay.

Sa naturang bilang, nasa 133,000 pamilya ang nananatili sa mahigit 5,057 evacuation centers habang nasa 148,648 ang nakikituloy sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Samantala, pumalo na rin sa P116-million ang halaga ng tulong na naipaabot ng DSWD sa mga residenteng naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng typhoon Tino.

Umabot na rin sa 191,526 kahon ng family food packs (FFPs) ang naipadala nito bilang tugon sa augmentation request ng mga lokal na pamahalaan sa siyam na apektadong rehiyon.

Nasa 1,961 na ready-to-eat food (RTEF) boxes din ang naipadala na bukod pa sa non-food items, modular tents maging ng sleeping kits.

Facebook Comments