Mga indibidwal na naghain ng kandidatura ngayong unang araw ng filing ng COC, nasa 12 pa lang

Hindi pa ganoon kabuhos ang mga indibidwal na naghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) ngayong unang araw ng filing ng kandidatura.

Sa mga oras na to, umabot pa lang sa 13 ang mga personalidad na naghain ng kanilang COC para sa pagka-Kongresista dito sa COMELEC-NCR sa San Juan.

Ngayong hapon ay magkasunod na naghain ng kanilang kandidatura sina Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas at Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.


Ang mga ito ay tatakbong re-electionist sa kani-kanilang mga distrito.

Sinamahan sila ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa paghahain ng COC bilang ang mga ito ay magkakaalyado.

Humabol din si Alan Mendiola Cerafica bilang kinatawan ng Taguig-Pateros.

Samantala, kaninang tanghali ay naghain din sina Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan pero bilang kinatawan ng Parañaque 2nd District, gayundin sina Bernard Dela Cruz bilang kinatawan ng Malabon, at si Valenzuela councilor Gerald Cloyd Alexis Galang na tatakbong kongresista sa 2nd District ng Valenzuela.

Facebook Comments