Mga indibidwal na nais mag-Pasko sa kanilang probinsiya, patuloy ang pagdating sa PITX

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasaherong nais makauwi ng kanilang probinsiya para magdiwang ng Pasko sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Pero, hindi tulad kahapon, bahagyang bumaba ang bilang ng mga indibidwal na nagtutungo rito.

Ang mga biyahe ay pawang mga patungo ng South Luzon kung saan kada 30 minuto o hanggang isang oras ang alis ng mga provincial bus.


Karamihan sa mga pasahero ay patungong Batangas at ang ilan sa kanila ay ngayon lamang pinayagan magbakasyon sa kanilang trabaho.

Sinisigurado naman ng pamunuan ng PITX na sapat ang mga bus na babiyahe ng Batangas lalo na ang mga magtutungo sa port para makasakay ng barko o ferry patungong Mindoro at ilang bahagi ng Visayas.

Bukod sa Batangas, may mga biyahe rin na patungong Cavite, Laguna, Quezon at Bicol.

Paalala ng pamunuan ng PITX sa mga pasaherong tutungo mg Bicol Region ay kinakailangan na magpakita ng vaccination cards dahil isa ito sa hinihinging requirements ng pamahalaang panlalawigan upang masiguro na ligtas ang lahat sa COVID-19.

Facebook Comments