MGA INDIBIDWAL NA NAKASUOT NG UNIPORME NG DOH SA ISANG CAMPAIGN RALLY, HINDI UMANO EMPLEYADO NG DOH-CHD1

Binigyang linaw ngayon ng Department of Health-Center for Health Development 1 na hindi nila empleyado ang mga indibidwal na nakasuot ng uniporme ng DOH sa isang campaign rally sa Ilocos Sur.

Sa isang viral photo, makikita ang nasa higit kumulang 20 katao na nakasuot ng kulay dilaw at berde na uniporme ng DOH na nasa campaign rally ng tumatakbong presidente at vice president sa Bantay Ilocos Sur.
Sa inilabas na pahayag ng kagawaran, ang mga ito ay Barangay Health Workers na mula sa local government unit.

Paliwanag nito, dahil sa kaliwat kanang promotion campaign at outreach program kung saan namahagi sila ng multitude shirts at paraphernalia na may nakalagay na logo nito sa health workers at non-health workers.
Matatandaan na noong nobyembre noong nakaraang taon, binigyang diin anila ang panuntunan ng Executive Secretary at Civil Service commission ukol sa pagiging political neutrality ng mga empleyado ng gobyerno.
Dahil sa insidente, muling nagpaalala ang kagawaran sa mga public health care workers nito ukol sa pangangampaniya ngayong Halalan at pagbabawal sa paggamit ng mga material at paraphernalia upang iendorso ang isang kandidato. | ifmnews
Facebook Comments