Paiigtingin ng probinsiya ng La Union ang pagpapatupad ng restrictions nito matapos ideklara ng IATF ang pagsasailalim nito sa Alert Level 3 dahil sa pagtaas ng COVID-19 Cases.
Kabilang sa mga paghihigpit dito ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 ang sinomang indibidwal na papasok sa probinsiya.
Sa inilabas na executive Order No. 2 s. 2022, ang mga indibidwal na papasok sa probinsiyang mayroong kaugnayan sa work and business mula sa Alert Level 3 at 4 ay kailangang magpakita ng Negative RT-PCR test result within 14 days at para sa government transactions, tourism at iba pa ay kailangan ng negative RT-PCR test result within 3 days.
Ang mga indibidwal naman na manggagaling sa alert level 1 at level 2 na magpupunta sa probinsiya para sa work and business, government purposes at hindi pa fully vaccinated ay kailangang magpresenta ng negatibong antigen test result within 3 days.
Para naman sa mga fully vaccinated na turista at biyahero ay kinakailangan pa rin ang negative antigen test result within 3 days at kung hindi pa bakunado ay kailangan naman ng negative rt-pcr test within 3 days.
Tanging 3, 000 turista lamang ang papayagang makapasok dito at overnight tourist lamang mula sa Alert Level 3 at 4.
Samantala, ang mga returning OFWs naman ay kailangang magpakita ng BOQ Certificate, NAPANAM QR code, passport at COVID-19 vaccination card sa border control points. | ifmnews