Mas dumarami pa ang mga indibidwal na nagtatangkang pumuslit sa mga checkpoints at lalabas patungo sa mga lalawigan.
Base sa ulat ng DILG Region 1, may mga residente mula sa Metro Manila ang kasalukuyang stranded sa borders ng Pangasinan na nagtangkang pumasok sa lalawigan.
May ganito ring eksena sa boundary ng Quezon Province at Camarines Sur matapos pigilan sila sa checkpoints at iba pang insedente sa ilang lugar sa bansa tulad ng Zamboanga City.
Ipinag utos na ng kalihim sa Philippine National Police (PNP) na maghigpit pa ang pagbabantay sa mga checkpoints kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na estriktong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Muling nagpaalala si DILG Secretary Eduardo Año na aarestuhin na sila at kasuhan dahil sa paglabag sa ECQ .
Sinabi ng kalihim na hindi aniya ito ang panahon ng pagbabakasyon kundi panahon ng pakikiisa sa paglaban sa COVID-19 at dapat manatili lamang sa bahay.