Mga indibidwal na sasailalim sa anti-COVID vaccine, isang taong imo-monitor ng DOH

Isang taong imo-monitor ng Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga indibidwal na sasailalim sa anti-COVID-19

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito aniya ang dahilan kung bakit mahigpit ang kanilang babala sa publiko na huwag tatangkilikin ang mga bakunang hindi magmumula sa gobyerno.

Ito ay dahil hindi aniya nila mamomonitor ang kalagayan ng mga pasyenteng matuturukan ng peke o hindi rehistradong bakuna.


Sa harap ito ng report na may ilang kumpanya sa China ang nagbebenta ng anti-COVID vaccine na gawa sa tubig at asin.

Iginiit ni Vergeire na walang sino mang negosyante ang pinapayagan ng gobyerno na magbenta ng bakuna.

Sa ngayon, hindi pa rin masabi ng DOH ang eksaktong petsa ng pagdating ng mga bakuna mula sa Pfizer.

Sinabi ni Vergeire na sa ngayon ay hinihintay pa rin nila ang kumpirmasyon mula sa COVAX facility.

Patuloy rin aniyang pinag-aaralan ng pamahalaan kung ano pang mga hakbangin ang dapat nilang i-improve sa paghandle ng mga paparating na bakuna bagama’t naging maayos naman ang resulta ng mga ginagawang simulation exercises.

Facebook Comments