Mga indibidwal na tatangging humarap sa imbestigasyon ng independent commission, haharap sa mabigat ng parusa

May mabigat na kaparusahan ang sinumang opisyal o pribadong indibidwal na iisnabin ang subpoena ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at tatangging magbigay ng testimonya nang walang matibay na dahilan.

Sa bisa ng kautusan, mahaharap sa administratibong disiplina ang mga opisyal at kawani ng gobyerno, bukod pa sa posibleng pananagutang kriminal.

Hindi rin ligtas ang mga pribadong indibidwal na susubok tumakas sa kanilang obligasyon.

Layon ng probisyong ito na tiyakin na walang makakaiwas sa imbestigasyon at hindi mababalewala ang mandato ng komisyon.

Matatandaang iginiit ng Pangulo ang kanyang paninindigan na papanagutin ang lahat ng sangkot sa maanomalyang mga flood control project na bilyon-bilyon ang pondo ngunit nasayang lamang hindi napapakinabangan ng publiko.

Facebook Comments