Mga indibidwal na tinamaan ng UK variant ng COVID-19, mas mataas ang posibilidad na mamatay

Lumabas sa pag-aaral na 35 percent na mas mataas ang tiyansa na mamatay ang taong tinamaan ng UK variant ng COVID-19 ayon sa pag-aaral.

Batay sa tala ng mga eksperto, 1 sa bawat 144 na lalaki (male) na may edad 55 hanggang 69 ang namamatay matapos kapitan ng UK variant.

Habang umakyat naman sa 3.7 percent ang tiyansang mamatay ng mga kababaihan na may edad na 70 hanggang 84 dahil sa bagong variant.


Umabot na rin sa 16.4 percent ang UK variant mortality rate para sa may mga edad na higit 85.

Sa kabila nito, batay pa rin sa nasabing pag-aaral, posibleng maprotektahan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga bagong silang na sanggol.

Samantala, iginiit ni Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na mayroong comorbidity ang unang UK variant fatality na naitala sa bansa.

Aniya, bagama’t walang travel history, mayroong asthma ang 84-taong gulang na lalaki na nakatira sa La Trinidad, Benguet na isa sa tinuturong dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Facebook Comments