MGA INDIGENT DAGUPEÑOS, PRAYORIDAD SA SOCIAL SERVICES

Tiniyak na umaabot sa mga mahihirap na Dagupeños ang mga serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng isinasagawang regular na konsultasyon.

Ito ay alinsunod sa United Nations Sustainable Development Goals 1: No Poverty o ang layunin na mawakasan ang kahirapan, gayundin ang pagkakaroon ng access ng mga benepisyaryo sa mga inilulunsad na programa at proyekto.

Patuloy ang pagtugon sa mga kinakailangan ng mga residente tulad sa pinansyal na aspeto, medical needs, pagkain, hanapbuhay at iba pa.

Samantala, kaliwa’t-kanan naman ngayon ang pag-arangkada ng mga programa na inaasahang makatutulong sa mga residente lalo na ang mga mahihirap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments