MGA INDIGENT NA MAG-AARAL NG DAGUPAN CITY NHS, HINANDUGAN NG PAMASKO

Hinandugan ng pamasko ang mga indigent na mag-aaral ng Dagupan City National High School (DCNHS) sa isinagawang Pamaskong Pinoy 2025 gift-giving ng Kagawaran ng Filipino ng paaralan.

Bahagi ng aktibidad ang pamamahagi ng mini-Noche Buena packages at food gift bags upang makapaghatid ng kaunting saya at tulong sa mga estudyante ngayong Kapaskuhan.

Nakiisa rin sa programa ang pamahalaang lungsod bilang suporta sa mga inisyatibang naglalayong magbigay malasakit sa kabataan, lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments