Mga indigent senior citizens, bukod tanging kuwalipikadong makikinabang sa social pension – DSWD

Muling nilinaw ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mga lubhang mahihirap lamang na nakatatanda ang kuwalipikadong makatanggap ng social pension alinsunod sa itinatakda ng  Republic Act  9994 o ang  Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Bawat indigent senior citizen ay makatatanggap ng P500 kada buwan bilang dagdag gastusin at pambili ng medisina.

Sa ilalim ng Republic Act 9994, otomatikong kuwalipikado ang  seniors na mahihina na, may karamdaman o may pisikal na kapansanan at ang mga walang tinatanggap na alinmang pension, mga walang  pinagkakakitaan o mapagkunan ng salapi para suportahan ang kanilang pangangailangan.


Bagamat gusto ng DSWD na masakupan ang lahat ng senior citizens, limitado ang budget sa ilalim ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.

Batay sa guidelines ng programa, ang Barangay Senior Citizens Association ang magrerekomenda ng mga potential beneficiaries.

Tiniyak naman ng ahensya na mga kuwalipikadong senior ang makikinabang sa naturang financial assistance.

Facebook Comments