Mga industrially-produced trans fatty acids sa mga produkto, ipinatatanggal na ng DOH, FDA, sa mga food company

Ipinatatanggal na ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa mga food company ang kanilang mga industrially-produced trans fatty acids mula sa kanilang mga produkto.

Sa isinagawang paglulunsad ng Pinas 2023: Trans Fat Free Campaign sa Quezon City, sinabi ni DOH Public Health Services Usec. Dr. Beverly Ho na ang DOH, FDA at National Nutrition Council ay nagtutulungan upang masiguro na maipatutupad ang iTFA-free policies pagdating ng July 18, 2023.

Ang trans fatty acid ay isang toxic fat na nagiging isa sa mga sanhi sa pagkakaroon ng sakit sa puso.


Kabilang sa mga pagkain na tinukoy ng mga health expert na may mataas na sangkap ng trans fatty acids ang coffee, fried foods, fast foods, donuts, pizza, frozen foods, at iba pa.

Kung kaya hinihikayat ng mga ito ang publiko na pumili ng mas masustansiyang pagkain gaya ng mga gulay.

Matapos ang deadline na itinakda sa July 18, 2023, ang mga pre-packaged at processed food na may toxic fat ay ipagbabawal na sa mga mamimili.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 130,000 mga Pilipino ang namamatay dahil sa cardiovascular diseases noong 2021.

Facebook Comments