Magkakasabay na nagtaas ng watawat ng Pilipinas kaninang umaga ang mga infantry units ng Philippine Army bilang pagpupugay sa lahat ng frontliners na nag aalay ng buhay para masagip ang mga nagpositibo sa COVID-19 maging ang mga nagbabantay sa mga border at kalsada para hindi na kumalat pa ang virus.
Pinangunahan mismo Lieutenant General Gilbert Gapay, Commanding General ng Army ang flag raising Ceremony sa kanilang national headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City kaninang umaga.
Sinundan ito ng lahat ng lahat ng mga Infantry Units sa buong bansa kasabay na rin ng pagsasagawa ng mustering of troops para matiyak na handa ang mga Sundalo na tumulong sa paglaban sa COVID 19.
Ang hakbang rin na ito ng Philippine Army ay kasabay ng kanilang pagdiriwang nang ika-123 anibersaryo ngayong araw.