Mga influencer ng illegal online gaming na may maluluhong kotse at bahay, pinaiimbestigahan ng isang digital advocacy group sa BIR

Hinimok ng digital advocacy group nq Digital Pinoys ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na silipin kung tama ang idinideklarang income tax ng mga influencer at online personalities na kumikita ng milyon-milyong piso sa pag-eendorso ng illegal gambling platforms.

Ayon kay Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, dapat umanong imbestigahan ang mga maluluhong buhay ng mga influencer, gaya ng mga ipinangangalandakan nilang high end na sasakyan at mga mansyon na bahay sa kanilang mga live online post.

Kung kukwentahin aniya, malamang na kumikita ang mga ito ng halos sampung milyong piso.

Ani Gustilo, dapat ay mas palawakin ng BIR ang pagsisiyasat dahil malamang na hindi lang sa mga endorsement deals kumikita ang mga ito kundi direktang nakikinabang sa illegal gambling activities.

Facebook Comments