Tuesday, March 10, 2026

Mga infrastructure projects ng pamahalaan, apektado ng serye ng oil price hike; bubuksang bahagi ng CAVITEX, iminungkahing gawing libre muna ang pagdaan

Aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na malaki ang magiging epekto ng walang prenong taas-presyo sa petrolyo sa mga infrastructure projects ng pamahalaan.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ito ay dahil kumokonsumo ng krudo ang mga heavy equipment na ginagamit sa mga ipinapatayong tulay, kalsada at iba pang imprastraktura.

Kasunod nito, kinumpirma ng kalihim na posibleng tumaas ang halaga ng mga construction materials gaya ng mga bakal, semento at aspalto.

Sa kabila niyan, tiniyak ni Dizon na walang mangyayaring panamantala sa mga magiging taas-presyo.

Iminungkahi naman ng Public Estate Authority Tollway Corporation (PEATC) na gawing pansamantalang libre ang pagdaan sa mga motorista sakaling mabuksan ang Segment 3B ng Manila–Cavite Expressway o CAVITEX.

Ang temporary toll holiday ay tugon anila sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtulungan habang nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng tensiyon sa Middle East.

Sa kabila nito, sinabi ni PEATC Chairman Anthony Peter Onyx Crisologo na makikipag-usap sila sa Toll Regulatory Board (TRB) at sa private partner sa proyekto.

Facebook Comments