Mga inilatag na problema ng mga broker, stakeholders at kawani ng BOC, pag-aaralan

Manila, Philippines – Bubusisiin at pag-aaralan ng husto ng pamunuan ng Bureau of Customs kung mayroong mga batayan ang mga inilatag na problema ng mga Stakeholders, Broker at kawani ng Customs na humarap kahapon kay Lapeña at inilatag ang mga tunay na suliranin sa sistemang pinaiiral sa ahensiya.

Ayon kay BOCEA President Remedios Princesa inihayag nila kay Lapeña na alisin ang Non-Sectioning dahil hindi umano ito sagot sa kurapsyon at smuggling bagkus nagdudulot ito ng mas mabigat na problema lalo na hindi parehas ang pamamahagi sa assessment personnel, pinababagal pa ang trabaho dahilan upang mapulaan ng publiko sa palpak na trabaho.

Paliwanag ni Princesa hindi rin umano matiyak kung tama ang pagsusuri sa mga uri at halaga ng mga produktong galing sa ibang bansa at nasasakripisyo pa ang kanilang pagiging eksperto at karanasan sa kanilang trabaho.


Giit nito na ang pagkaantala ay nagiging dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga binabayaran kaya ang mga Filipino ang nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga produkto na nanggagaling sa ibang bansa.

Facebook Comments