Welcome start.
Ganito ang tinawag ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa mga binanggit ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) patungkol sa kung paano niya kahaharapin ang malaking problema sa kagawaran.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, naipakita ni PBBM sa kaniyang SONA na ang pangunahing dahilan ng nagmamahalang presyo ng mga pagkain ay dahil sa mga hindi na kinakailangang patong o layer sa value chain.
Ikinalugod ng SINAG ang commitment o pangako ng pangulo na i-subsidize o gagastusan ng gobyerno ang essential farm inputs gaya ng fertilizers, pesticides, feeds at fuel.
Pinuri din ng SINAG ang we marching order ni PBBM para palakasin ang aquafarms, hog at poultry farms na tiyak na magpapalakas sa lokal na produksyon.
Positibong hakbang din aniya ang hindi na pagsingil sa loans o pautang ng mga magsasaka at sa halip ay pagkalooban ang mga ito ng financial assistance upang paunlarin ang kanilang sektor.