Aabot sa 1,228 na pamilya o katumbas ng 4,143 na indibidwal ang inilikas at kasalukuyang tumutuloy sa may 20 evacuation centers sa mga bayan ng Agoncillo Laurel, Balete, Talisay at Cuenca sa Batangas dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ito ay batay sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ngayon, nagpapatuloy ang preventive evacuation na ginagawa ng mga tauhan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO).
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 ang bulkan matapos na magbuga muli ito ng nasa 400 hanggang 800 metrong usok bunsod ng magmatic unrest.
Dahil dito, nasa full alert status ang Philippine National Police units sa Batangas.
Facebook Comments