Manila, Philippines – Umaabot na sa mahigit 81 libong indibidwal ang mga inilikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, halos 70 libo sa mga residenteng inilikas ay nasa loob ngayon ng 69 na evacuation centers.
Habang ang 11 libong iba pa ay tumutuloy ngayon sa kani 81 mga kaanak o di kaya’y nasa mga temporary shelters na tinayo ng mga residente sa labas ng evacuation area.
Siniguro naman ng NDRRMC na may sapat na pagkain at suplay para sa mga residente.
Sa ngayon maliban sa 36 na libong family food packs na ipinadala na nila noon, mayroon pang ikinakaraga ngayon ang Philippine Coastguard na 7-libo at 4 na raang food packs patungong Albay.
Siniguro pa ng NDRRMC na may mga doktor at nurses mula DOH na tumitingin sa kondisyon at namimigay ng gamot ng mga evacuees.