Mga inilikas sa mga evacuation center dahil sa Bagyong Jolina, umabot na sa mahigit 8,000

Umabot na sa mahigit 8,000 mga indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center dahil sa epekto ng Bagyong Jolina.

Base ito sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, ang mga inilikas na pamilya ay naitala sa Bicol Region, Western at Eastern Visayas.


Sila ngayon ay pansamantalang tumutuloy sa 46 evacuation centers.

24 na bahay ang napinsala ng bagyo at may mga lugar na rin na walang suplay ng kuryente.

Ayon kay Timbal, pinakanapuruhan ang Eastern Visayas kung saan 6 na lugar dito ang binaha.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring nila o pagkalap ng mga pinsala sa iba pang rehiyon.

Wala namang napaulat na nasawi sa Bagyong Jolina.

Facebook Comments